-- Advertisements --
Maaari pang umabot sa typhoon category ang lakas ng bagyong Hanna.
Ito ang sinabi ni Pagasa forecaster Alczar Aurelio, kasunod ng paglakas pa kanina ng naturang sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 845 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.
May taglay itong lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Bagama’t hindi magkakaroon ng landfall, asahan naman ang ibayong paghatak nito ng habagat na maaaring magdala ng maulang panahon sa malaking parte ng ating bansa.