-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Itbayat, Batanes na una nang naapektuhan ng lindol at iba pang lugar dahil sa epekto ng bagyong Hanna.
Sa kasalukuyan kasi ay nakataas ang tropical cyclone wind signal number one sa Batanes at Babuyan Group of Islands, matapos na itaas na ito sa typhoon category.
Nasa 90 ang pamilya ang maaaring ilipat sa evacuation centers kapag lumubha ang sitwasyon.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna sa layong 625 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Taglay ni ‘Hanna’ ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph.