-- Advertisements --
Mananatili pa rin ang mga pag-ulang dala ng habagat sa malaking parte ng Luzon at Visayas kahit nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Hanna na may international name na “Lekima.”
Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, nagsanib-pwersa na ang typhoon Hanna at ang low pressure area (LPA) na nasa Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 645 km hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 215 kph.