-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna, na ngayon ay nasa severe tropical storm category na.
Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, sa paglakas ng bagyo, mas lalakas din ang paghatak nito sa hanging habagat.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 795 km silangan ng Calayan, Cagayan.
Halos wala pa rin itong gaanong pag-usad sa mga nakaraang oras.
Taglay ni “Hanna” ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Babala ng Pagasa, maaaring makapagtala ng malalakas na pag-ulan sa western section ng bansa dahil sa habagat ngayong hapon at gabi.