-- Advertisements --

Nasa Japan na si Hannah Arnold para sa paglahok nito sa Miss International 2022.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawan na nakasuot ng kulay ube na Filipiniana at may hawak na maliit na watawat ng Pilipinas.

Sabik na rin aniya ito sa nasabing pageant ganun din na makilala ang ibang mga kalahok.

Pinasalamatan nito ang mga fans at humingi siya ng pagdarasal sa mga mamamayan para masungkit ang titulo.

Kinoronahan ang Masbate beauty queen bilang Miss International Philippines 2021 noong Hulyo 2021.

Gaganapin ang coronation night ng Miss International 2021 pageant sa Disyembre 13 sa Japan.