-- Advertisements --

Hinirang bilang pinaka ‘most polluted city’ sa mundo ang Hanoi, Vietnam, Ito’y matapos maitala sa lungsod ang nasa 266 micrograms per cubic meter kung saan kinilala bilang hazardous na katergorya.

Isang dahilan na nakikita ng mga eksperto kung bakit mataas ang polusyon sa Hanoi ay dahil sa mabigat na trapiko, pagsusunog ng mga basura, at iba pang aktibidad na kinabibilangan ng mga regional manufacturing hub sa lungsod.

Kinababahala naman ng mga awtoridad ang patuloy na nararanasan ng maraming residente doon ang problema sa paghinga habang apektado rin ang paningin ng mga bata at pangkalahatang kalusugan.

Upang matugunan ang krisis na nararanasan sa Vietnam, binigyang-diin ni Deputy Prime Minister Tran Hong Ha ang pangangailangan ng mabilis na paglipat sa mga electric vehicle (EV) sa Hanoi. Bilang bahagi ng solusyon, layunin ng lungsod na magkaroon ng hindi bababa sa 50% ng mga bus at 100% ng mga taxi ang nag-ooperate gamit ang kuryente sa pagsapit ng 2030.