-- Advertisements --

Nagmistulang championship game ang banggaan kanina ng dalawang nangungunang powerhouse teams sa NBA Western Conference.

Sa huli nagawang maitumba ng Phoenix Suns ang Golden State Warriors sa score na 104-96.

Dahil dito parehas na ngayon ang dalawang koponan na may kabuuang tig-18 panalo.

Ito ay sa kabila na hindi natapos ng Phoenix superstar na si Devin Booker ang game na hanggang second quarter lamang dahil sa injury.

Kung maalala noong nakaraang season ay umabot sa Finals ang Suns kung saan tinalo naman sila ng Milwaukee Bucks.

Pero kanina malaking adjustment ang ginawa ng Phoenix nang maglatag ng malapader na depensa laban sa scoring champion ng Warriors na si Stephen Curry na meron lamang kakarampot na 12 points, samantalang nag-a-average ito ng 28 points kada laro.

Nanguna sa diskarte ng Suns sina Deandre Ayton na may 24 points at ang veteran point guard na si Chris Paul ay kumamada ng 15 points at 11 assists.