Itinuturing ng mga boxing experts na isang welterweight classic ang harapang Errol Spence at Terrence Crawford.
Maghaharap kasi ang dalawa sa araw ng Linggo sa Las Vegas, Nevada kung saan nakataya ang apat na welterweight champion na unang nangyari sa boxing na nagsimula pa noong 2004.
Si Spence ay mayroong 28 panalo, walang talo na mayroong 22 knockouts na hawak ang WBC, WBA at IBF titles.
Mayroon namang 39 panalo, walang talo na mayroong 30 knockouts naman si Crawford na hawak ang WBO belt.
Sinabi naman ni boxing legend Mike Tyson na ngayon lamang siya nakakita ng ganitong uri ng paghaharap ng magaling na mga boksingero.
Inihahambing naman ng iba ang laban bilang ang paghaharap nina Robert Duran at Sugar Ray Leonard noong 1980, Leonard at Thomas Hearns noong 1981, Pernell Whitaker at Julio Cesar Chavez noong 1993 at Shane Mosley laban kay Oscar Dela Hoya noong 2000.