-- Advertisements --
Tiniyak ng gobyerno ng Germany na walang magaganap na lockdown ngayong kapaskuhan.
Sinabi nito health minister Karl Lauterbach, na kahit na walang lockdown ay pinaghahandaan pa rin nila ang fift wave dahil sa Omicron variant.
Hindi gaya ng the Netherlands na nagpatupad ng hard lockdowns hanggang Enero 14 ay hindi aniya matutulad ito sa kanila.
Maghihigpit na lamang aniya sila sa mga hindi bakunado at patuloy din ang kanilang panawagan na magpaturok na ng booster shots.