-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ipinatupad ang hard lockdown sa ilang barangay sa South Cotabato matapos maitala ang dalawang kaso ng covid-19 delta variant.

Unang kinumpirma ni Mayor Antonio Bendita, alkalde ng bayan ng Surallah, ang ubang kaso ng delta variant sa Villanueva Plains Subdivision, Zone 1, Surallah South Cotabato.

Matapos itong maideklara ng Local IATF ng Surallah ay agad na isinailalim ang lugar sa Hard lockdown.

Nagpatupad din ng One Entry and One Exit Policy ang bayan ng Surallah simula ngayong araw hanggang sa Agosto 31, 2021.

Maliban dito, isang 24 anyos na lalaki naman na residente ng Barangay Zone 3, Koronadal City ang naitalang unang kaso ng delta variant sa lungsod.

Agad din na isinailalim sa swab test ang mga kasama nito sa trabaho sa isang regional office sa Barangay Carpenter.

Maging ang nga nakasalamuha nito sa ospital matapos itong maconfine doon.

Ngunit, recovered na sa ngayon ang nasabing pasyente at hindi na nakitaan pa ng sintomas.