-- Advertisements --

Dinala ni NBA superstar James Harden ang Brooklyn Nets gamit ang triple double performance upang tambakan ang Oklahoma City Thunder, 147-125.

Kahit wala ang isa sa big three na si Kevin Durant, baliwala ito nang magpakita si Harden ng 25 points, 10 rebounds at 11 assists.

Maging si Kyrie Irving ay nagposte rin ng 25 points upang itala ng koponan ang franchise record na pinakamalaking team score gayundin ang ika-13 panalo.

Si Durant ay pinagpahinga muna upang hindi bumalik ang kanyang Achilles injury.

Aminado naman si Harden na unti-unti na nilang nabubuo ng maayos ang kanilang opensa kahita bago lang siya sa team.

Samantala, ibinilang ng Los Angeles Clippers sa kanilang biktima ang Orlando Magic nang ilampaso sa iskor na 116-90.

Ito ay sa kabila na limang games din na nawala ang mga NBA superstars na sina Kawhi Leonard at Paul George bunsod ng contact tracing protocols.

Si George ay nagpakawala ng 26 points at nine rebounds habang si Kawhi ay nagbuslo ng 24 puntos para sa kanilang ika-15 panalo.