Inanunsiyo ng Philadelphia 76ers na hindi pa rin makakalaro ang kanilang bagong superstar guard na si James Harden matapos na kanilang makuha mula sa Brooklyn Nets.
Sinasabing kasama rito ang dalawang games na hindi makakasama si Harden maging sa All-Star Game sa darating na linggo dahil nagpapagaling pa rin ito sa kanyang injury o hamstring strain.
Ayon kay Sixers head coach Doc Rovers, nais lamang nilang makasiguro na maayos ang kalusugan nito bago isabak sana sa laro simula bukas kontra sa Boston Celtics.
Pero dahil sa pagbabago sa rehabilitasyon nito, maaaring magsuot na ng bagong uniporme si Harden ng Philadelphia sa February 25 pa laban sa Timberwolves, habang ang una namang magiging home games niya ay sa March 2 kontra naman sa New York Knicks.
Samantala, pinalitan na rin si Harden sa Team LeBron para sa All-Star Game kung saan ang ipinalit ay si Cleveland Cavaliers center Jarrett Allen.