Hindi naitago ni NBA superstar James Harden ang pagkadismaya sa itinatakbo na kampanya ng Houston Rockets ngayong season.
Ginawa ni Harden ang pahayag matapos ang magkasunod na paglampaso sa kanila ng Los Angeles Lakers.
Ayon kay Harden, mahirap na raw maayos ang koponan at inaasahan niya na hindi sila magiging contender bilang top team.
“I mean this situation is crazy,” ani Harden. “It’s something that I don’t think can be fixed.”
Kung maalala bago pa man nagsimula ang bagong season, ninanais na ni Harden na malipat sa ibang team.
Bago ito natikman ng Rockets ang apat na talo mula sa limang games na paglalaro ng dating 2018 NBA MVP.
Inamin din ni Harden hindi nila kayang tapatan ang mga elite team tulad na lamang ng Lakers.
Ang maaanghang na salita ni Harden ay kinontra naman ng bago niyang teammate na si John Wall.
“I know how much work I put into it to get back and compete at a high level,” wika pa ni Wall na nagmula sa Wizards. “There’s a lot of guys here that want to compete at a high level.”