Nanguna sina James Harden na may 23 points at Joe Harris na nagdagdag ng 21 para masilat ng Brooklyn Nets ang NBA defending champion na Los Angeles Lakers, 109-98.
Umeksena rin si Kyrie Irving sa kanyang 16 points at seven rebounds para sa kanilang ikalimang sunod na panalo kahit hindi nakalaro si Kevin Durant sa ikatlong pagkakataon bunsod ng left hamstring.
Sinamantala naman ng Nets ang hindi paglalaro ng mga top scorers na sina Anthony Davis at Dennis Schröder para sa Los Angeles.
Sa panig ng Lakers nabaliwala ang ginawa ni LeBron James na kumamada ng 32 points, eight rebounds at seven assists.
Kumayod din si Kyle Kuzma na nagdagdag ng 16 points at 10 rebounds.
Sa kabila nito, ito pa lamang ang ikalawang talo ng lakers sa huling 10 games.
Aminado naman si James na malaking kawalan si AD at ang kanilang starting point guard na si Schroder.
Sinasabing aabutin pa ng isang buwan na hindi makakalaro si Davis dahil sa kanyang injury.
Samantala ang next game ng Nets sa Lunes ay laban sa Clippers.
Ang Lakers naman ay host sa game nila laban sa Heat sa Linggo.