-- Advertisements --

Nabulabog ang buong mundo ng NBA matapos ang tuluyang paglisan ni superstar guard James Harden sa Houston Rockets at lumipat sa Brooklyn Nets.

Batay sa ulat, tatanggapin ng Rockets ang apat na first-round picks at apat na pick swaps mula sa Brooklyn, maging ang mga players na sina Rodions Kurucs at Dante Exum.

Mula sa Nets ay magtatawid-bakod na si Caris LeVert sa Indiana Pacers, na ipadadala naman si Victor Oladipo sa Rockets.

Sina Jarrett Allen at Taurean Prince naman ay mapupunta sa Cleveland Cavaliers.

Dahil din sa naturang megadeal, mistulang nagkaroon ng reunion si Harden sa kanyang dating teammate sa Oklahoma City na si Kevin Durant.

Inaasahang magkakaroon na rin ng superteam ang Nets dahil sa trio nina Harden, Durant, at Kyrie Irving, na maaaring maging isa rin sa mga title contender sa Eastern Conference.