-- Advertisements --

Muling pinatikim ng Houston Rockets ng kanilang bangis ang Oklahoma City Thunder para umabanse na sila sa 2-0 lead sa Western Conference sa first round ng NBA playoffs.

Kumamada ang 21 points at nine assists si James Harden kasabay nang pagposte ng kanilang team ng 19 three-point shots mula sa NBA record na 56 pattempts.

Aminado naman si Harden na medyo hindi maganda ang kanilang mga tira kung kaya’t sa depensa raw sila sumandal.

Samantala hindi pa rin nakalaro ang dating Thunder star na si Russell Westbrook pero pinunan naman ito ni Danuel House Jr. na may 19 points at iba pang mga players.

Sa panig ng Thunder nasayang ang diskarte nina Shai Gilgeous-Alexander na umiskor ng 31 points at si Danilo Gallinari na nagdagdag ng 17.