Tumipa ng 35 points si James Harden habang si Gerald Green naman ay may 18 upang pangunahan ang panalo ng Houston Rockets sa Toronto Raptors, 107-95.
Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Rockets para pantayan nila ang kanilang dating season high kasabay nang pagputol nila sa pitong home winning streak ng Raptors.
Nasa 39-25 na ang record ng Houston ngayong season peron abanse pa rin ang Toronto sa 46-19 na kartada.
Patuloy naman ang pamamayagpag si Harden sa kanyang 28 o mahigit pa na puntos sa loob ng 39 straight games para itala ang “second-longest streak” sa NBA history. Ang NBA legend na si Wilt Chamberlain ang may hawak sa record na 71 games.
Sa kabilang dako nasayang naman ang ginawa ni Kawhi Leonard gamit ang 26 points at si Serge Ibaka na tumulong sa 10 points at 15 rebounds para sa Toronto.
Sa darating na Sabado sunod na haharapin ng Rockets ang host Philadelphia.
Ang Raptors naman ay tutunguhin ang New Orleans.