-- Advertisements --

Binalikat ni James Harden ang Houston Rockets tungo sa 137-112 paggiba sa Boston Celtics sa huling araw ng scrimmages sa NBA campus sa Orlando, Florida.

Nagtapos si Harden na may 35 big points para sa Rockets, na tinapos ang serye ng mga exhibition games na may 2-1 kartada.

Mistulang kabado naman ang Houston makaraang magtamo ng ankle injury si Eric Gordon sa huling bahagi ng second period.

Bagama’t negatibo ang lumabas sa X-ray, sinabi ni coach Mike D’Antoni na posibleng bukas na nila malaman ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard.

Nagsilbi namang top scorer ng Celtics si Carsen Edwards na may 19 points.

Hindi rin sinabak ng Boston ang kanilang mga starters na sina Kemba Walker, Jaylen Brown, Jayson Tatum, Gordon Hayward at Daniel Theis, maging sina Enes Kanter at Marcus Smart dahil sa haharapin ng koponan ang Milwaukee Bucks sa Sabado sa NBA seeding games.