-- Advertisements --

Pinatawan ng NBA na $50,000 na multa si Houston Rockets Star James Harden.

Ito ay matapos ang paglabag nito sa COVID-19 protocols.

Kumalat kasi ang video na wala itong suot na face mask habang nasa isang strip club sa Houston.

Itinanggi naman ni Harden na isang strip club ang kaniyang pinuntahan at sa halip ay isang uri kainan lamang na ang amo ay ang kaniyang nobya.

Isang pagdiriwang ang naganap kung saan isang uri ng promosyon sa trabaho.