-- Advertisements --
Nagpakita na rin sa Houston Rockets camp ang kanilang superstar na si James harden matapos na dalawang araw na hind ito sumipot.
Agad umanong ito sumailalim sa COVID tests bilang bahagi ng protocols.
Kung maalala lumakas pa ang usap-usapan na gusto na talagang umalis ni Harden sa koponan.
Bagamat may umiiral pang kontrata hanggang taong 2022 si Harden, hinahangad naman nitong ma-trade patungo ng Brooklyn Nets kung saan nandoon sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Sinasabing dalawang araw din na wala ang dating NBA MVP.
Samantala, ngayong weekend na ang simula ng preseason games, habang sa December 22 naman ang pormal opening ng 2020-2021 new season.