-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang paghataw ni James Harden sa kabila ng mga usap-usapang nais na nitong na-trade sa ibang mga team.

Umagapay kasi ang Houston Rockets star sa 128-106 pagtambak ng kanilang koponan sa San Antonio Spurs sa kanilang preseason game.

Naghulog si Harden ng 20 points para sa Rockets, na hawak ang 3-1 kartada.

Nagpakawala ng 27 points si Christian Wood upang pangunahan ang Houston, na sinegundahan naman ni Eric Gordon na may 23 points.

Bumitaw naman si DeMar DeRozan ng 21 puntos sa Spurs, na wala pa ring naitatalang panalo matapos ang tatlong laro.