-- Advertisements --
Patuloy sa ikaapat na winning streak ang Brooklyn Nets matapos na panibagong mabiktima ang kulelat na team na Detroit Pistons sa iskor na 96-90.
Nagsama ng puwersa ang dalawang superstar ng Brooklyn na si Kevin Durant at James Harden upang iposte ang ikaanim na panalo na may tatlong talo.
Walang patawad sa kanyang diskarte si Harden na may triple double performance gamit 15 points, 10 rebounds at 10 assists, habang si Durant naman ay may 29 points at 10 rebounds.
Si Durant ang unang player sa kasaysayan ng Brooklyn na nagtala ng 20 puntos o mahigit pa sa unang siyam na laro sa pagsisimula ng NBA season.
Sa kampo ng Detroit, lalo silang nasadlak sa ika-walong talo.