-- Advertisements --

WASHINGTON, America – Gumawa ng bagong record ang Los Angeles Clippers guard na si James Harden sa kanyang pag-shoot ng bola mula sa 3 point-line na nag-angat sa kanya upang mapantayan ang record ni Ray Allen bilang second All-time 3-pointer sa NBA.

Naitala ang kanyang ika-2,974 record sa nalalabing oras na 6:09 ng unang quarter ng laro habang kasalukuyang nangunguna pa rin ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry sa datos na 3,872.

Dagdag pa rito, si Harden ay nakapagpasok ng 20 points, nakakuha ng 6 rebounds at nakapagpasa ng 11 assists na pinangunahan din ng kanyang kakampi na si Ivica Zubac sa puntos na 22 na may 11 rebounds at 2 assists naman.

Namuno sa may pinakamaraming naiambag na puntos sa kabilang koponan ng Utah ang Filipino American player na si Jordan Clarkson sa kanyang ginawang 21 points, 4 rebounds at 2 assists na sinundan ng 18 points ni Lauri Markkanen.

Sa huli, isinara ng Los Angeles Clippers ang laban kontra Utah Jazz sa iskor na 116-105. (report/ news item by Bombo Grant Hilario )