-- Advertisements --
Umaasa si dating NBA MVP James Harden na makakabalik na rin siya sa game bago magsimula ang playoffs sa May 22.
Mahigit na rin isang buwan na nagpapagaling si Harden sa kanyang tinamong injury.
Sa ngayon meron na lamang anim na games na nalalabi sa Brooklyn bago magtapos ang regular season.
Kanina natalo ang Nets ng Dallas Mavericks sa iskor na 113-109, kahit naka-45 big points si Kyrie Irving at 20 points ang isa pa nilang superstar na si Kevin Durant.
Sa kabila nito pasok na sa playoffs ang Nets dahil sa hawak nilang 43 wins.
Para kay Harden, kapag manatili lamang silang healthy ay aabot sila sa NBA Finals dahil sila ay isang elite team.