Ginamit ng Houston Rockets ang big game sa fourth quarter upang malusutan ang Indiana Pacers, 111-102.
Muling binitbit ng dating NBA MVP na si James Harden ang team nang kumamada siya ng 44 points upang itala ng Rockets ang ika-siyam na panalo ngayong bagong season.
Aminado naman si Harden na ang matinding depensa pa rin ang nagdala sa panalo ng kanilang koponan lalo na sa fourth quarter.
Sa nakalipas namang panalo ng Houston palaging nakaka-score ng 36 points o mahigit pa si Harden.
Ito ay sa kabila ng mga injuries nina Clint Capela, Eric Gordon at Danuel House.
Ang dati namang MVP na si Russell Westbrook ay tumulong sa kanyang 17 points at eight rebounds.
Sa kampo ng Pacers, natuldukan ang kanilang apat na sunod-sunod na panalo.
Nasayang din ang diskarte ni Domanas Sabonis na nagpakita ng 18 points at 13 rebounds at si Ben McDermott na nagdagdag ng 18 points mula sa bench ng Indiana.
Samantala ang next game ng Pacers ay laban sa Milwaukee sa Linggo,
Ang Rockets naman ay bibisita sa Minnesota.