DAVAO CITY – Aabot ng sampung oras ang sunog na sumiklab sa Bo. Obrero, bago ito tuluyang naapula ng mga kabomberohan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay SF04 Ramil Gillado, Intelligence & Investigation Section Chief sa Davao City Fire District sa BFP XI,
nakatanggap ito ng report bandang ala-sais ng gabi na merong nangyaring sunog sa isang bodega sa isang hardware sa Sobrecary Bo. Obrero nitong lungsod.
Umabot pa sa second alarm ang sunog kung saan nirespondehan naman ito nang apat na firetruck , kasali ang central 911, volunteers, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pa.
Nagkantidad din sa Php 13 milyones ang natalang danyos sa sunog sa naturang bodega.
Sa isinagawang operasyon, narekober ng mga awtoridad ang sunog na mga pintura, tinner, plastics , electric materials at iba pa.
Samantala, inamin din ng opisyal na nahirap sila pumasok sa naturang bodega dahil sa mga materyales na nasa luob nito , kung saan mabilis sumabog ang RTBC types. Dagdag pa ni Gillado, gumawa din sila ng external fire operation sa gilid ng bodega upang mapigilan itong kakatag sa katabangin parte nito.
Samantala, sinabi ni Gillado na totally damage ang kagamitan sa loob ng bodega, ngunit dahil sa firewall, kaunti lamang ang danyos sa mga katabing parte ng establisyemento.
Sa kasalukuyan, inaalam pa nga BFP kung ang naturang bodega merong spring air.