-- Advertisements --
VALENCIA, Spain – Binalot ng tensyon ang Paiporta, Valencia, matapos hagisan ng putik si King Felipe.
Nabatid na naroon ang hari ng Espanya para dalawin ang mga lugar na binaha dahil sa labis na mga pag-ulan.
Gumamit ng payo ang security personnel ng hari para maprotektahan ito sa mga ibinabatong putik.
Maliban sa putik, naghahagis din ang mga tao ng basura at iba pa.
Kasabay nito ang pagsigaw ng kanilang mga hinaing at pang-iinsulto sa mga opisyal ng kanilang bansa.
Nabatid na umabot sa 211 ang nasawi sa malaking baha sa Spain dahil sa katumbas ng isang taong ulan ang bumuhos sa loob lamang ng isang araw, nitong huling bahagi ng Oktubre.