-- Advertisements --

Pumanaw na ang hari ng Kuwait na si Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa edad 91.

Ayon sa kampo nito na, mayroon na siyang matagal na sakit na dinaranas.

Sinabi ni Minister of Royal Court Affairs Sheikh Ali Jarrah Al-Sabah , na labis ang kalungkutan ng kanilang mamamayan sa pagpanaw ng kanilang hari.

Isinilang noong 1929 at sa loob ng 40 taon ay nagsilbi itong foreign minister bago naging prime minister at pinangalanang ng monarch ng nasabing bansa.

Noong Agosto 6 ay bumiyahe ito sa US para magpagamot at inoperahan pa ito.

Nirerespeto ito sa nasabing Gulf state dahil siya ang namagitan sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Egypt.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang maraming lider ng iba’t-ibang bansa matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Sheikh Sabah al-Ahmad al-Jaber al-Sabah.