Patuloy ngayon sa paghahabol ang mga NBA teams sa mga trade deals at free agency bago sumapit ang buwan ng Disyembre.
Muli na namang ginulat ang mga fans sa bilis ng mga pagbabago katulad na lamang nang pagkuha ng defending champion na Los Angeles Lakers kay Montrezl Harrel, ang kinoronahang Sixth Man of the Year ng NBA mula sa Los Angeles Clippers.
Si Harrel ay nasa ikatlong season na rin sa Clippers, pero pumayag ito sa dalawang taon na kontrata sa Lakers kung saan ang unang taon ay tatanggap siya ng $9.25 million
Bago lamang, kinuha rin ng Lakers ang serbisyo ng guard/forward ng Milwaukee Bucks na si Wesley Matthers para sa isang taon na may kasamang $3.6 million deal.
Una nang nagbigay sorpresa sa mga Lakers fans ang pagbitaw nila sa kanilang big man na si Dwight Howard na napunta ngayon sa Philadelphia 76ers para sa one-year deal sa halagang $2.6 million.
Samantala, sa loob lamang ng isang linggo ang veteran forward na si Trevor Ariza ay pinagpasa-pasahan ng mga teams hanggang “lumanding” ngayon sa ikaapat na team sa Oklahoma City Thunder.
Si Ariza kasi ang naging sentro ng three-team trade na kinabibilangan ng Pistons, Mavs at Thunder.
Bago ito pinalitan ng Blazers, si Ariza ay papunta sa Rockets kapalit ng forward na si Robert Covington at dalawang first round picks.
Pagkatapos nito inilipat naman ng Rockets si Ariza patungo ng Detroit para makuha naman ang center/power forward na si Christian Wood.
Pero hindi pa natapos dito ipinasa naman ng Piston si Ariza sa Thunder na meron pang $12.8 million contract na malapit ng mag-expire.