Nagtabla sina US VP Kamala Harris at dating US Pres. Donald Trump sa resulta ng botohan sa maliit na bayan ng Dixville, Notch sa estado ng New Hampshire para sa 2024 US presidential elections.
Ito ang pinakaunang lugar sa bansa na nakapag-report ng kanilang presidential preference.
Tumagal lamang ng 12 minuto ang pagbibilang dahil 6 lang ang botante. Nagsimula ang halalan hatinggabi at nagtapos ng 12:07am.
Kapwa nakakuha sina Harris at Trump ng tig-3 votes.
Nakasaad sa batas ng estado ng New Hamphire na pinapayagan ang mga bayan o komunidad gaya ng Dixville Notch para buksan ang eleksiyon sa midnight at isasara din agad. Ang Dixville Notch ay isang unincorporated community sa Dixville sa Coos County na matatagpuan sa hilagang parte ng estado, nasa 20 milya ng timog ng Canadian border.
Sa nakalipas na 2 presidential elections, sinuportahan ng mga botante sa Dixville Notch ang Democratic nominee.