-- Advertisements --

Mas pinaigting nina US Vice President Kamala Harris at dating US President Donald Trump ang kanilang kampanya.

Kanya-kaniyang nagsagawa ng political rally ang dalawa sa mga pangunahing battlegrounds bago ang gagawing paghaharap ng dalawa sa debate.

Nasa Detroit si Harris kung saan pinuri niya ang mga sakripisyo ng mga manggagawa.

Ipinagdiriwang kasi sa US ang Labor Day doon habang ang runningmate nito na si Minnesota Governor Tim Walz ay magtatalumpati sa Labor Day event sa Milwaukke.

Dadalo naman si second gentleman Doug Ernhoff sa Labor Day event sa Newport News, Virginia.

Habang si Trump ay nasa Michigan kun saan makakasalamuha niya ang mga retiradong miyembro ng United Auto Workers bilang pantapat sa pagbisita ni Harris sa Detroit.