Mayroon ng mahigit 77 milyon na balot ang nabilang sa 47 estado at sa District of Columbia sa nagpapatuloy na halalan sa US.
Base sa pagtaya ng ilang mga eksperto na ang voters turnout ngayong taon kumpara noong 2020 ay mababa dahil mayroon ng 110 milyon Americans ang nakaboto ng maaga in-person o sa by-mail.
Patuloy ang pangangampanya nina US Vice President Kamala Harris at dating US President Donald Trump.
Nasa North Carolina si Trump kung saan nanawagan ito na iboto siya at ang magkaroon ng landslide na panalo ay siyang malaking bahagi na.
Nangako ito na kaniyang ipapasara ang US border sa Mexico.
Ang North Carolina kasi ay mayroong mahigit na 10.4 milyon na katao at mayroong 16 electoral college votes.
Noong 2020 election ay tinalo ni Trump si Joe Biden sa North Carolina.
Habang si Harris ay patuloy ang panliligaw niya sa Penssylvania na isa sa mga crucial battleground states.
Hindi rin tumitigil ang ginagawa niyang panliligaw sa mga solid supporters niya na mga black women.
Hinikayat naman ni Republican vice presidential nominee JD Vance ang mga botante ng Wisconsin na iboto sila ni Trump at tiniyak niyang hindi magsisisi ang mga ito.
Nasa Wisconsin din si Minnesota Gov. Tim Walz at patuloy ang panghihikayat niya na si Harris lamang ang magiging susi sa tagumpay na botohan sa US.