Piniling hindi daluhan ni Vice President at ngayo’y isang presidential candidate Kamala Harris ang isang tradisyunal na event para sa mga kakandidato sa pagka presidente na AL Smith Dinner.
Ang nasabing event ay naglalayaon na mag-promote ng mga Catholic charities na siyang nais palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga lider sa United States.
Ayon sa campaign team ng bise presidente, nais nila na sulitin ang ibinigay na oras sa mga kandidato para mangampanya at makipag-ugnayan sa mga nasasakupan at mga botante na siyang magdedesisyon kung sino ang dapat mamuno sa naturang bansa.
Samatala, hindi naman tuwirang sumagot ang katunggali ni Harris na si dating US President Donald Trump sa imbitasyon na ito. Matatandaan kasing sa huli niyang pagdalo sa naturang event noong 2016 ay hindi naging maganda ang naging pagtanggap sa kanya ng publiko. Naramdaman kasi ng mga manonood na sumbora ang dating pangulo sa pagtawag kay Democrat Hillary Clinton na isang korap at ipinagkalat pa umano nito na galit si Clinton sa mga Katoliko.