Inilampaso ni US VP Kamala Harris ang kaniyang katungaling si dating US Pres. Donald Trump sa estado ng California.
Labis ang naging suporta ng mga botante ng naturang estado kay Harris kung saan pagpasok ng 50% vote count ay lumamang na si Harris ng halos dalawang milyong boto.
Ang California ay isa sa mga kilalang blue state(Democrat) na ilang dekada nang bumubuto sa Democratic Party.
Sa katunayan, huli itong bumuto ng Republican noong 1988 presidential elections kung saan nahalalal si dating US Pres. George H. W. Bush.
Mula noon, pinili na ng California na iboto ang mga presidential candidate na kumakatawan sa mga Democrats sa nakalipas na walong magkakasunod na presidential elections.
Ang California ang may pinakamaraming electoral college vote sa buong US(54), kayat isa ito sa mga pinaka-influential state sa buong USA.
Pagsapit ng 99% vote count, umabot na sa mahigit 11.1 million ang botong nakuha ni Kamala habang tanging 6 million lamang ang sumuporta kay Trump.