-- Advertisements --
Nag-concede na si US Vice President Kamala Harris kay President Donald Trump.
Sa kaniyang concession speech sa Howard University sa Washington D.C, na makikibahagi ito sa mapayapang paglilipat ng kapangyarihan kay Trump.
Hinikayat din nito ang mga supporters na sundin ang prinsipyo ng American democracy na kapag natalo sa halalan ay marunong din dapat ito na tanggapin.
Bagamat hindi tumugma sa kaniyang kagustuhan ang resulta ng halalan ay naniniwala ito sa American promise na magpapauloy ang liwanag basta hindi agad na bumibigay at patuloy ang pakikipaglaban.
Magugunitang ilang oras bago ang talumpati ni Harris ay tinawagan niya si Trump para batiin at tinalakay nila ang mapayapang paglilipat ng kapangyarihan.