-- Advertisements --

Huminto muna si US Vice President Kamala Harris sa pangangampanya para magbigay pugay sa mga nasawi noong October 7 na pag-atake ng mga Hamas sa Israel.

Nanguna si US President Joe Biden sa pagsasagawa ng pagdarasal.

Kasama niya sa White House ang maybahay na Jill Biden at isinagawa ang pagsindi ng kandila.

Una na tiniyak ng US na kanilang sinusuportahan ang Israel sa karapatan nitong idepensa ang kaniyang bansa laban sa anumang panunupil.