-- Advertisements --

Tinawagan na sa telepono ni Democratic Vice President Kamala Harris si ex-President Donald Trump para batiin ito sa kaniyang panalo.

Kinumpira ng kampo ni Harris ang ginawang pag-uusap ng dalawa.

Sa nasabing pag-uusap ay nag-concede na rin si Harris at tinanggap ang naging resulta ng halalan.

Tinalakay din nila ang kahalagahan ng mapayapang paglilipat ng kapangyarihan at ang pagiging pangulo ng lahat ng mga Americans.