Iniimbestigahan na ng Federal Aviation Administration (FAA) ang kinasangkutang insidente ng actor na si Harrison Ford sa Hawthorne Airport sa Los Angeles.
Bigla kasing tumawid sa runway ng paliparan ang actor habang minamaneho nito ang kaniyang eroplano.
Sinasabing hindi narinig ng actor ang radio instructor mula sa tower.
Agad namang humingi ng paumanhin ang actor dahil sa kaniyang kamalian.
Tanging ang layon ng flight ay para mapanatili ang currency at proficiency ng eroplano.
Wala namang naitalang anumang nasugatan sa nasabing insidente.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na maaksidente ang actor dahil noong 2015 ay naospital ito ng biglang nagforce landing ang eroplano nito .
Taong 1999 ng mag-emergency landing naman ito sa gilid ng ilog sa California ang actor habang minamaneho ang isang helicopter.