-- Advertisements --

Masayang inanunsyo ni Harry Potter star Rupert Grint na magkaroon na siya ng anak sa unang pagkakataon.

Si Grint, na naging tanyag sa kanyang papel na best friend ni Harry Potter na si Ron Weasley, ay magiging tatay sa ipinagbubuntis ng kanyang partner at Perfect Snogging actress na si Georgia Groome.

“Rupert Grint and Georgia Groome are excited to announce they are expecting a baby and would please ask for privacy at this time,” saad ng kinatawan ng couple.

Noong 2011 pa naging mag-on sina Rupert at Georgia, ngunit pinilit nilang mapanatili ang pribado nilang relasyon.

Matatandaang lumabas si Grint sa lahat ng walong movie installment ng Harry Potter franchise.