-- Advertisements --
Inilunsad ni “Harry Potter” author JK Rowling ang online Potter hub para sa may mga pagkaabalahan ang mga bata habang nasa loob ng bahay dahil sa ipinapatupad na quarantine sa maraming bansa bunsod ng coronavirus pandemic.
Ang “Harry Potter at Home” ay naglalaman ng mga naunang franchise.
Mayroon din itong free access sa audiobook version.
Ilan sa mga feature ay ang articles, puzzles at videos.
Sinabi ni Rowling na malaking tulong ito sa mga kabataan para sila ay matuto at may pagkaabalahan.