-- Advertisements --
Naibenta sa auction sa halagang $34,500 ang first edidtion na Harry Potter book na may dalawang typo errors.
Nabili ang librong “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone” noong 20 taon na ang nakakaraan sa halagang $1.20.
Ayon sa Hansons Auctioneers sa England na nag-imbita pa sila ng ilang eksperto para pag-aralang mabuti ang nasabing libro.
Sinabi ni Jim Spencer, isang rare book expert na ang libro na unang nailimbag ay makikita lamang ang pagkakaiba sa dalawang typo errors.
Isang palatandaan ay ang maling spelling ng salitang “philosopher” at ang copyright page ay naisulat na “Joanne” imbes na initials ni “J.K Rowling”.