-- Advertisements --

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ng kasong qualified human trafficking si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ito ay may kinalaman sa pagkakasangkot niya sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.

Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na kasamang nasampahan ng kaso sina Cassandra Ong, Wu Duanren ng Whirlwidn Corporation, Dennis Cunanan at 30 iba pa.

Dagdag pa ni Ty na malinaw ang pagkakasangkot ng mga akusado na ginamit ang institusyon para sa human trafficking.

Una ng kinasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Lucky South 99 authorized representative na si Katherine Cassandra Li Ong at iba pa.

Kasama rin si Roque sa supplemental complaint na isinampa noong Oktubre 2024.

Giit ni Ty na kahit abogado ng Whirlwind si Roque ay personal itong nagtungo sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) para sa renewal ng application ng Lucky South 99.