Pinatawag ng Quezon City prosecutor’s office si dating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger na si Byron Cristobal na kilala din bilang Banat By kaugnay sa mga kasong libel at cyberlibel na inihain ni dating Senator Antonio Trillanes IV.
Kinumpirma ito ng dating Senador na inisyu na ang mga subpoena matapos na ipatawag ng prosecutor’s office sina Roque at Cristobal para sa pagdinig sa preliminary investigation.
Ayon naman kay Atty. Roque, hindi pa niya natanggap ang subpoena na aniya ay inisyu para bigyan sila ng kopiya ng reklamo.
Ang bagay na ito ay bago lamang umano sa katulad ng dating Senador na ignorate umano sa batas.
Tiniyak din ni Roque na sasagutin niya ang kasong inihain ni Trillanes kabilang ang countercharges laban sa kaniyang act of disloyalty to the republic.
Kung matatandaan, nag-ugat ang naturang complaint matapos na akusahan ni Trilanes sina Roque, Cristobal, ilang hosts ng Sonshine Media Network Inc. at iba pang social media accounts na sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na tinarget umano siya ng mga maling akusasyon.
Aniya, ang mga pag-atake laban sa kaniya sa social media platforms ay may kaugnayan sa mga laegasyon na ibinenta niya sa China ang Scarborough shoal.
Subalit una ng inabswelto ng Office of the Ombudsman noong 2017 sina Trillanes at dating Pangulong Benigno Aquino III sa kasong treason at pag iispiya para sa pag-engage ng mga ito sa backchannel negotiations sa China para maresolba ang gusot sa panatag shoal noong 2012.