-- Advertisements --

Minaliit lamang ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang libel at cyber libel case na isinampa ni dating Senator Antonio Trillanes IV.

Sinabi nito na kinakalaban lamang ni Trillanes ang freedom of expression.

Dagdag pa nito na nagpapansin lamang ang dating senador dahil sa may balak itong tumakbo sa darating na halalan.

Magugunitang naghain ng kaso si Trillanes nitong araw ng Martes laban kay Roque dahil sa pamimigay umano nito sa China ang Scarborough Shoal sa pamamagitan ng backchannel talks noong 2012.

Bukod kay Roque ay kinasuhan din nito ang vlogger na si Banat By at ang SMNI.