Maghahain ng asylum sa The Netherlands si dating presidential spokesperson Harry Roque.
Sinabi nito na tatayo ito bilang isa sa mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya nagpasya itong pormal na maghain ng asylum.
Itinuturing na asylum-seeker ang isang tao na hihingi ng international protection.
Dagdag pa nito na kapag ang aplikasyon niya ay natanggap na an ay mayroon na siyang karapatan para sa “non-deportation” hanggang ang imbestigasyon ay matapos.
Bukod pa dito ay mabibigyan siya ng “non-prosecution”dahil sa illegal entry sa The Netherlands at mananatili itong nakapasok ng legal sa nasabing bansa.
Magugunitang nadamay si Roque sa qualified human trafficking case laban kay Cassandra Li Ong at ilang mga katao dahil sa POGO hub na Lucky South 99 Corp.
Mayroon din itong standing arrest order mula sa House of Representatives matapos na patawan ng contempt at inatasan na makulong dahil sa bigong magsumite ng mga dokumento para maipaliwanag ang kaniyang biglang pagyaman.