Kumpiyansa si dating spokesman Harry Roque na may nakahandang contingency plan para sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Roque, siya at si Vice President Sara Duterte ay naghahanda na mula pa noong nakaraang taon.
Inamin din ni Roque na inaasahan na niya ang paglabas ng ICC arrest warrant at ang posibilidad na makulong si Duterte sa The Hague ng tatlong taon.
Ang naturang pahayag ni Roque ay nagudyok matapos muling lumitaw sa The Hague, nang lisanin ang Pilipinas noong 2024 sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso kaugnay ng umano’y koneksyon niya sa ilegal na operasyon ng offshore gambling.
Binatikos din ni Roque ang desisyon ng ICC na hinggil sa susunod na pagdinig ni Duterte sa Setyembre 23, na tinawag niyang ‘hindi katanggap-tanggap.’
Sinabi rin nitong makikipagpulong siya sa legal team ni Duterte upang talakayin ang kaso.
Samantala, mababatid na nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity dahil sa kanyang madugong kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Habang ang susunod na pagdinig, na isang confirmation of charges at hindi pa ang mismong paglilitis, ay itinakda naman ng ICC sa Setyembre 23, 2025.