-- Advertisements --

Dinapuan ng bone cancer ang Hollywood producer na si Harvey Weinstein.

Sinabi ng kaniyang kampo na sumasailalim ito ng gamutan sa Rikers Island sa New York.

Isa umanong uri ng Chronic myeloid leukemia (CML) o cancer ng bone marrow.

Hind na nagbigay pa ng ibang detalye ang kampo ni Weinstein.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sumailalim na si Weinstein sa emergency heart surgery sa Bellevue Hospital sa New York.