-- Advertisements --
Inoobserbahan ngayon si dating Hollywood producer Harvey Weinstein matapos na dapuan ng trangkaso.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga doctor, na naniniwala sila na nadapuan ito ng COVID-19.
Nitong Martes lamang ay isinailalim na siya sa COVID-19 testing kung saan sa loob pa ng 72 oras ilalabas ang resulta ng pagsusuri.
Kasaluluyang nasa isolation na ito at inoobserbahan.
Magugunitang hinatulang makulong ng 23 taon nitong Marso ang dating Hollywood producers dahil sa pang-aabuso sa isang babae.
Sinabi naman ng kaniyang kampo na mayroon ng dinaramdam si Weinstein gaya ng high blood pressure at spinal stenosis.