-- Advertisements --
RAHMAN

Hindi na matutuloy ang opening bout bukas sa pay-per-view event matapos na magpositibo sa COVID-19 si Hasim Rahman Jr.

Makakaharap sana niya si Rashad Coulter, na wala pang talo at dating mixed martial artist.

Si Rahman, 29, ay replacement din sa injured na si Viddal Riley na una sanang makakalaban ni Coulter.

Sa kabila nito, sumipot pa rin si Coulter at tumimbang sa 211.2 pounds.

Bagamat kanselado na ang kanilang six-round heavyweight bout, mababayaran pa rin si Coulter para sa kanya sanang event.

Si Rahman na may record na siyam na panalo kung saan ang apat ay via knockout, ay anak ng boxing legend na si Hasim Sr. na nagpatulog kay Lennox Lewis noong taong 2001.

Nakalaban din nito ang boxing greats na sina Evander Holyfield at Wladimir Klitschko.