KORONADAL CITY – Itinuturing na hate crime against LGBT members ang motibo sa nangyaring pagsabog ng improvised explosive device (IED )sa Datu Piang, Maguindanao na nag-iwan ng walong sugatan nitong nakalipas na gabi ng Sabado.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar, pawang mga kasapi ng LGBT ang walong mga nasugatan sa nangyaring pagsabog na naglalaro lamang ng volleyball sa covered court.
Dagdag pa ni Baldomar, “signature” umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) ang sumabog na IED.
Ngunit, aalamin pa umano kung bakit tinarget ng nabanggit na lawless group ang mga kasapi ng LGBT.
Sa ngayon, dinoble pa ang seguridad sa Datu Piang at karatig na mga lalawigan laban sa posibilidad na pag-atake ng grupo.